Anna Chavez

Dark Knight in Shining Armor

(1 customer review)

39.75

Description

     Naghalukipkip si Stanley nang marinig ang pasasalamat ni Rio. “I thought you said you’re willing to pay me anything if I help you,” paalala niya.
     “A-ano ba’ng gusto mo?” tanong ng dalaga.
     Sa halip na sumagot ay tinitigan niya ito—una ay sa maganda nitong mukha, pababa sa dibdib. Hindi nalingid sa kanya nang bahagyang mapaatras si Rio kasabay ng paglunok at pagtutop sa neckline ng suot na blouse. Iniisip siguro ng kausap na katawan nito ang gusto niyang kabayaran at may katuwiran ang babae na mag-isip ng ganoon. Ikaliligaya niyang dalhin ito sa isang pribadong lugar, ihiga sa kama, at angkinin ang kanyang kabayaran.
     Pero hindi niya iyon puwedeng gawin. Hindi sa babaeng ito. Isang maling galaw lang ni Stanley ay posibleng ito pa ang umangkin ng lahat ng mayroon siya.

Read Preview

Additional information

Author

Anna Chavez

Page count

128 pages

1 review for Dark Knight in Shining Armor

  1. honlen009 (verified owner)

    Totally a desirable female lead! Mabait na babae at mabait na anak ❤️ ‘Yung male lead nama’y maiinis ka sa umpisa but along the way, maiintindihan mo ‘yung pinanggagalingan at pinanghuhugutan niya so still he’s REASONABLE ❤️

    The only downside for me was the Lola… like, ang sama-sama niya on almost 80 percent in the story tas biglang bumait kinalaunan~ but guessed, ganoon naman talaga siguro. Kapag lumilipas ang panahon at tumatanda, nakakare-realize tayo ng mga bagay-bagay at bumabait ❤️

    What I love even more on this story is the gold moments. ‘Yung painting na ginawa ng babae while the hero was walking away from him~ that totally took me! That was gold, at ramdam na ramdam ko! Lalo namang noong nagkita na ulit sila and she had to immediately capture that very moment by painting him na finally nakaharap na’t bumabalik sa kanya. Such a gold! So beautiful! ❤️❤️

    Will be looking forward pa sa iba mo pa pong stories, author 🙏 Thumbs up sayo! 👍👍 Thanks and God bless! Please keep writing and inspiring more readers 😍😍😘

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.