panjo

Hu U?

39.75

Description

     “So… gusto mong magkaroon ng girlfriend?” tanong ng babaeng unang beses na nagparanas sa akin na maging shoulder to cry on.
     “Oo naman. Pero sino ang papayag na maging instant girlfriend ko?” sabi ko.
     “Ako! Papayag ako na maging instant girlfriend mo! Pero magpapanggap lang, ah,” sagot ni Jane.
     “Ano’ng ibig mong sabihin?” May sira yata sa ulo ang babaeng ito.
     “Pathetic na kung pathetic ang move na ’to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siyang palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na BF ko, magagawa ko iyon. On your part naman, mapapahiya na ang mga kumakantyaw sa ’yo dahil magkaka-GF ka na sa wakas.”
     Naisip ko, wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko. Gusto ko lang magkaroon ng kaunting excitement ang boring kong buhay.
     Malay ko ba na mismong puso ko pala ang kapalit nito?

Read Preview

Additional information

Author

panjo

Page count

147 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.