Ingrid De La Torre

The Cold-Hearted Beast

39.75

Description

Sexy Beasts (Book 4 of 4)

     Hopeless romantic at sentimental dreamer si Bianca. Lubos siya kung magmahal, buo at walang pag-aalinlangan. Isa lang ang wish niya: ang sakmalin ng pana ni Kupido ang puso ng istrikto at rigid niyang boss—si Nakiro Sato, the cold-hearted beast na sobrang antilove at anti-family.
     Akala niya ay hindi na siya mabibigyan ng tsansa na maranasan kung paano ibigin nito. Ngunit dumating ang araw na naaksidente ang binata dahil sa kagagawan ng mga kuya niya. Nagkaroon ito ng selective amnesia. Isang detalye lang ang na-retain sa utak nito at iyon ay ang eksenang naghahalikan sila sa loob ng isang pribadong silid. Dahil doon, inakala nitong mag-asawa sila.
     Alam niyang mali, pero pinagbigyan ni Bianca ang puso. Sinakyan niya ang maling akala ng lalaki. Nanlimos siya ng kaunting hiram na sandali….

Read Chapter One

Additional information

Author

Ingrid De La Torre

Page count

117 pages