Christine Acance

You Were Meant For Me

39.75

Description

     “Bakit ganyan ang ayos mo? Para kang mangaakit,” komento ni Drey na ikinataas ng kilay ni Felicity.
     “Ganito talaga ang suot ko pag ’andito ako sa bahay ko.”
     “Talaga? O dahil nandito ako?” Seryosong nakatingin ito sa kanya, halatang hindi nagbibiro.
     “Napakayabang mo naman para isipin ’yan.”
     Unti-unti itong lumapit hanggang sa maramdaman niya ang mga labi nito sa kanyang bibig. Walang pagaalangan na tinugon ng dalaga ang mga halik nito.
     “Parang nasagot n’un ang tanong ko,” ngisi nito pagkatapos. “Tell me, Felicity, did you long for my kisses?”
     Damn this man! Hindi niya alam kung ano ang motibo ni Drey sa pag-arteng gusto siya gayong may iba itong nobya. At naiinis siya sa sarili na hindi niya ito matanggihan….

Read Preview

Additional information

Author

Christine Acance

Page count

146 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.