Description
“Money turned you on? Is that it?” paglilinaw ni Quintin.
Tumango si Helene. “No offense meant, Quintin, pero plano kong makapag-asawa ng mayaman,” diin niya.
Walang pang-uuri o pagkainsulto sa mga mata ng kausap. “Paano ang tinatawag na pagibig?” tanong nito.
“Oh, hindi basta mayaman lang na lalaki ang gusto ko. I want someone that I can love, siyempre.”
“I’ll drink to that. I wish you all the success in your pursuit,” sabi nito bago nagpaalam.
Gustong lumubog ni Helene sa kinatatayuan nang matuklasan na ang lalaking pinagtapatan niya ng plano ay ang ‘mayaman’ na hinahana niya para mahalin….






Reviews
There are no reviews yet.