Description
Ang kanyang vegetable garden, negosyo at ang trabaho niya bilang aikido instructress—iyon lang iniikutan ng mundo ni Hero. Walang social life ang dalaga so malamang boring ang tingin ng iba sa buhay niya, yet, she’s happy. Mas mabuti nang doon niya ituon ang panahon; ayaw na niyang maulit iyong naranasan niyang sakit noong indyanin siya ng kanyang nobyo sa altar.
Ngunit tila biglang nagkaroon ng spice ang buhay niya mula nang matagpuan ang isang nilalagnat at dehydrated na estranghero na nakalupasay sa garden niya. Off limits sa mga lalaki ang bahay niya, pero hindi kaya ng konsyensya ni Hero na ipagkait ang tirahan habang nagpapalakas ang binata na isa palang chef. At malaki ang maitutulong ng mga inimbento nitong luto sa negosyo niya.
She had never guessed fate itself was cooking for them a recipe for disaster… or was it a recipe for love?
Reviews
There are no reviews yet.