Description
Tumitig si Lorenzo sa maganda at maamong mukha ni Erika, ang mukhang sa litrato pa lamang ay inibig na niya nang lubos. Muntik na niya itong hindi nakilala sa tabi ng highway nang bulyawan niya ito at kagalitan. Pero nang iangat nito ang baba, nang mahuli niya ang kakaibang tangos ng ilong na iyon na parang laging naghahamon, halos matunaw ang kanyang puso.
Hindi siya makapaniwalang ang babaeng kaharap at bilanggo sa kanyang yakap ay si Erika; isinumpa niyang bibihagin ang puso ng dalagang ito….






Reviews
There are no reviews yet.