Description
Dreams Café (Book 4 of 4)
Sa halip na ang pinaplanong muling pagalala sa bittersweet memories ng una niyang pag-ibig, pagsusungit sa kasama sa bahay ang ginawa ni Isabela nang makarating sa Angel’s Cove. Hindi niya inasahan na may aabutan siyang isang estranghero sa bahay-bakasyunan ng kanilang pamilya. Granted pinapantasya ito ng buong Pilipinas dahil sa talent nito sa pagkanta at nakakakilig na kaguwapuhan, wala siyang pakialam. Hindi pa rin niya gustong nagugulo ang mga plano niya.
For a control freak like her, sakit sa ulo ang dulot ng mga sorpresa—and yes, kahit pa kasingguwapo ni Jude Escalante ang surprise na iyon!
Reviews
There are no reviews yet.