Chelsea Enriquez

Fate Meets Love

39.75

Description

     Ayon kay Tandang Selya, ang pinaka-credible na manghuhula sa baryo nila, si Steven daw ang nakatakda para mapangasawa ni Ysabella. Ang kaso, pakipot ang binata at kontrabida mode palagi kahit pa lahat ng kakilala nila ay todo-suporta sa ‘love team’ nila. Nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin mula sa pagluluto ng pagkain nito hanggang sa pagpapakita ng legs, pero wa epek pa rin sa lalaki.
     Hanggang sa sabihan siya ng matandang manghuhula na nagbago raw ang kapalaran niya. Dapat na raw niyang kalimutan si Steven dahil sasaktan lang umano siya nito.
     Laking gulat niya nang imbis na matuwa ang binata, aba’y parang hindi nito nagustuhan nang sabihin ni Ysa na iiwan na niya ito at hindi na guguluhin pa….

Read Chapters One-Three

Additional information

Author

Chelsea Enriquez

Page count

132 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.