Description
Sumikdo ang dibdib ni Denise nang makitang pababa sa kanya ang mukha ni Randall. Lihim na nagtalo ang loob niya. Should she let him kiss her, or should she push him away? Halos magdidikit na ang kanilang mga labi nang manaig ang sigaw ng kanyang isipan at naitulak niya ang lalaki.
“I have to go. Good night, Randall!” Iniwan niya ito at itinago ang luhang umaagos sa kanyang mga pisngi.
Masakit talikuran ang katotohanang umiibig sila ng binata sa isa’t isa, pero hindi sila puwede. Kahit kailan, walang magiging magandang bukas ang kanilang pag-ibig dahil hindi magiging siya si Leah Samonte—ang babaeng itinakda ng kasunduan para pakasalan ni Randall Madrigal…






Reviews
There are no reviews yet.