Description
In a matter of minutes, pagkababa sa eroplano ay nagulo ang plano ni Bea na pagbabakasyon sa Pilipinas. Bigla na lang siyang dinamba, pinosasan at dinala sa NBI mula sa airport. In-interrogate siya tungkol sa mapanganib umanong drug lord. Kahit nang walang makitang ebidensya ng koneksyon niya sa mga kriminal at mapatunayang nagsasabi siya ng totoo tungkol sa identification niya, hindi pa rin siya tuluyang pinalaya ng nakakainis at supladong NBI agent na humuli sa kanya. Sa halip na ihatid siya sa kanila, dinala siya nito sa sarili nitong bahay sa probinsya.
What transpired next were like scenes from action movies—barilan, habulan, suntukan, patayan—at kasali siya sa lahat ng iyon! Mabuti na lang papasa ring action star ang kasama niya, si Jason Henares.
Nang maalalang ito rin ang nagdala sa kanya sa gulong iyon, binawi ni Bea ang compliment na naisip para sa binata.
Reviews
There are no reviews yet.