Lisa Marie Rice

Nightfire

89.75 80.78

Description

A Protectors Novel: Marine Force Recon

     Walang gaanong maalala si Chloe Mason sa kanyang kabataan maliban sa paglabas-masok sa ospital. Ngayong maayos na ang kalusugan niya, determinado siyang punan ang malaking guwang ng nakaraan. Nang matagpuan niya ang kapatid na si Harry, natuklasan niyang bukod sa pamilya ay may kulang pa sa buhay niya – pag-ibig.
     Bilang isang bata, nasaksihan ni Mike Keillor ang pagkamatay ng buong pamilya. Dahil sumumpang hindi na muling magiging mahina, sumali siya sa Marines at naging isang Recon sniper, SWAT officer, at isang eksperto sa martial arts, bago nagkaroon ng isang matagumpay na security company. Nang matagpuan ng kanyang kaibigan at partner na si Harry ang nawawalang kapatid na si Chloe, nabuwal ang astig na si Mike Keillor ng nag-iisang damdaming hindi niya malabanan. Pag-ibig.
     Ngunit nanganganib ang kinabukasan nila nang aksidenteng makabangga ni Chloe ang Russian mob. Kahit pa higit na makapangyarihan ang kanyang kalaban, walang makapipigil kay Mike na iligtas ang tanging babaeng minahal. Nawala na sa kanya ang pamilya at hindi niya hahayaang mawala sa kanya si Chloe. Hindi kasama sa pagpipilian ang mabigo.

Read Chapter One

Additional information

Author

Lisa Marie Rice

Page count

340 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.