Description
Nang una niyang makilala si Patrick, naisip niyang tila pamilyar ang hitsura nito. Pagkatapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na halik, nahuli ng mga mata ni Crystal ang tattoo sa braso nito at nag-flash sa kanyang isipan ang eksenang pilit niyang kinakalimutan—isang kamay na may hawak na baril na nakatutok sa isang lalaking nakaluhod. Kitang-kita niya nang paputukin ang baril at bumagsak na walang-buhay ang biktima. Gayunpaman, ayaw tanggapin ng kanyang isip na ang lalaking bumihag sa kanyang puso ay isang walang-awang mamamataytao.






Reviews
There are no reviews yet.