Description
Dahil sa concern sa pasimula pa lang na career ng kanyang identical twin, pumayag na rin si Louisa na siya ang magtungo sa Singapore at sumama sa natanguan at hindi na maikakansela pang cruise ng kapatid.
Pero nayanig yata pati bahay-bata ni Louisa nang imbis na female acquaintance, nobyo nitong si Adrian Buenaventura ang sumundo sa kanya sa airport paglapag ng eroplano. Lalo siyang nanigas nang batiin siya nito ng isang toe-curling kiss.
Hindi sana mahirap magpanggap na nobyang in love dito dahil mahal niya talaga si Adrian mula pa noong una niya itong nakilala two years ago. Ang hindi madali ay ang gagawin niyang pagharap sa lalaki matapos nitong matuklasan ang panloloko niya…






Reviews
There are no reviews yet.