Teasethisgirl

The Lust Marriage

132.00 118.80

Description

     “I’ll do anything. Just please, don’t give up on us. For me.”
     Hindi na niya ako pinasagot. Isang malalim na halik ang binigay ni Paul habang hawak ang batok ko. Halos isang linggo akong nangulila sa kanya at parang napawi ang sakit na nakadagan sa dibdib ko sa tuwing magkakasagutan kami―dahil lang sa isang halik.
     Napatungo ako nang matapos iyon.
     Hinawakan ni Paul ang baba ko para magkatinginan kami. Nahihiyang ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko. Ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa pwesto namin ngayon.
     “Just say yes, Savanna.”
     Napatungo ako. “P-pero―”
     Hindi siya muling naghintay ng sagot. Yumuko siya at hinalikan na naman ako.

     Just please, don’t give up on us. Paano niya ako nagagawang pasayahin sa isang pitik lang? Paano niya nagagawang kahit magkasakitan kami, isang salita niya lang, kinikilig na ako?

Read Prologue, Chapters One & Two

Additional information

Author

Teasethisgirl

Page count

368 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.