Description
Dreams Café (Book 2 of 4)
“Lance, pareho lang tayong napapagod. Pirmahan mo na lang ang divorce papers natin para matapos na,” pakiusap ni Mylie.
“I can’t,” hirap na sagot ng lalaki. “I still want to be married to you.”
“Ang tagal naman bago mo naisipan na iyan pala ang gusto mo!” asik niya. Limang taon silang hiwalay; limang taon nitong pinaramdam na hindi siya importante sa buhay nito. At ngayon nito sasabihin iyon? “Naipangako ko na ang kinabukasan ko sa iba. I want to move on with my life. So please, Lance, I beg you…”
Matagal siya nitong tinitigan bago nito sinabi, “You’re free.”
Dapat masaya na si Mylie. Nakuha na niya ang gusto niya, pero para siyang namatay. Her heart ached upon seeing the intense hurt on his face…
Reviews
There are no reviews yet.