Rosie Cancio

Ninakaw Mo Ang Puso Ko

49.00

Description

     “Wala akong pakialam kung gusto mo si Rory,” tukoy ni Kasey sa biyudang ninang na aminado siyang malakas ang attraction sa mga nakababatang lalaki. At alam niyang hindi naiiba sa mga iyon si Jordan Martel. “Pero mag-iingat ako kung ako ikaw. Baka ikaw ang napipisil niyang maging husband number two.”
     Ngumisi ang lalaki na lalong nagpaguwapo rito. “Nag-aalala ka ba para sa ninang mo, o para sa akin?”
     Hindi na rin alam ni Kasey ang sagot doon. Noong una, gusto lang niyang bantayan ang nakatatandang babae para sa biyudong ama. Ang mga ito ang gusto niyang magkatuluyan. Hindi niya gustong isipin na siya mismo ang interesado kay Jordan kaya niya ginagawa ito. No, hindi niya iyon aaminin.

Read Preview

Additional information

Author

Rosie Cancio

Page count

136 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.