Draven Black

Nowhere to Hide

49.00

Description

     Isang lumang tugtugin na may kakaibang epekto sa tao.
     Isang device na kayang mag-record ng mga panaginip.
     Isang hayop na may kakaibang paraan ng pagpaparami ng lahi.
     Ang lalaking naligaw sa lugar na hindi nag-e-exist sa mundo.
     Ang bahay na nagpapakita lamang sa mga kalalakihan.
     Mga taong nagpakamatay sa loob ng sinehan dahil sa napanood na pelikula.

     Ilan lamang ito sa mga pangyayaring pilit ikinubli sa mundo.
     Isinalin sa iisang aklat upang isiwalat ang mga bagay na binalot ng karimlan.

     Ito ang librong hindi gugustuhin ng publiko na mabasa mo.
     Mga istoryang pilit itinatago ng gobyerno at simbahan.
     Mga kuwentong babago sa iyong nakasanayan sa kuwentong katatakutan.
     Bawat pahina, lagim ang dala-dala.

     Malaya kang tuklasin ang misteryong ito na itinago sa kamalayan ng tao.
     Ngunit oras na mabasa mo ito, wala ka nang puwedeng pagtaguan.
     Kahit saan ka magpunta, makikita ka nila. Wala kang kawala sa batas ng dilim.
     At baka ikaw na ang susunod na maglaho sa mundo!

     Kakayanin mo ba ang mga mababasa mo rito?
     Nasa iyo ang huling pasya. Huwag mo sabihing hindi kita binalaan…

Read Preview

Additional information

Author

Draven Black

Page count

144 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.