Anna Chavez

Steal My Heart

(2 customer reviews)

39.75

Description

     Nakulong sila sa isang kuwartong may negative five degrees na temperatura, at isang paraan lang ang naisip ni Troy na puwede nilang gawin para hindi sila mamatay. Iyon ay subukang ilabas ang init ng kanilang mga katawan.
     Hindi na inosente si Macy para hindi malaman kung paano iyon gagawin, and she was so disgusted with the idea. Pero nang simulan ng binatang haplusin ang kanyang pisngi, nang maramdaman niya ang init ng hininga nito ay nakumbinsi siya. Lalo na nang maglapat na ang kanilang mga labi.
     Sa init ng mga halik ng binata ay hindi lang nakasiguro si Macy na makaka-survive siya sa lamig. Bigla ring may nagbalik sa kanyang alaala, na naging daan para ma-realize niya na mahirap pala talagang kalimutan ang unang halik, lalo na kung mararamdaman mong muli iyon sa parehong tao na nagbigay niyon sa iyo….

Read Chapter One-Chapter Three Buy Paperback Version

Additional information

Author

Anna Chavez

Page count

128 pages

2 reviews for Steal My Heart

  1. honlen009 (verified owner)

    Totally undesirable female lead! My goodness! Napaka-conceited ng babae! Punong-puno at gandang-ganda sa sarili! Matapobre! Immature and very childish! ‘Ni hindi man lang nagsisi sa huli sa mga ginawa at nasabi niyang masasakit na salita lalo na against sa male lead! There was not even a single character development khit na nang matapos ang story!

    Dahil lng mahal siya ng lalaki, pinalampas lahat though he deserves that an apology from her sa ginawa nitong eskandalo na sumira sa buhay at pamilya nito!

    I kennat really!!! The most undesirable and undeserving woman ever na nabasa ko from MSV pocketbooks! 😒

    Sorry pero ‘di ako usually nagkokomento, eh, unless na lang kung gandang-ganda ako sa kuwento OR trigger na trigger ako HAHAHA ✌️ Feeling ko nga traits niya do not deserve to be the female lead, no wonder ‘di siya gusto at walang pakialam sa kanya kababata niya, baka nga mas bagay pang siya ang kontrabida sa story nina Lizette at Vin. Lols.

  2. honlen009 (verified owner)

    Another thing, next time naman kapag nagkamali ka, admit it and apologize for it or at least pakiramdaman mo ring mali ka, ‘di yung maghahanap ka pa ng kung anu-anong childish na excuse to reason out for your wrongdoing at magtataray pang lalo! You’re fr*aking annoying gurl! Literal!

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.