Terri Dizon

The Way We Used to Be

8.00

Category: Tag:

Description

     “Who’s up for the race?” panghahamon ng kaibigan ni Nathan matapos nitong bumaba sa passenger side ng latest model ng itim na Honda Civic.
     Ngunit wala sa mga kareristang nakahilera ang sumasagot, pawang takot malagasan ng pera at mapahiya sa maraming manonood.
     “Paano ba ‘yan, pare, wala naman palang gustong lumaban sa ‘yo rito eh—” sabi ng katabi ni Nathan.
     “Ako, lalaban ako,” anang isang tinig na nagpatahimik sa lahat ng mga naroroon na karamihan ay mga lalaki.
     Laglag panga ang mga ito nang masilayan ang napakagandang babaeng humahamon kay Nathan.
     “Sino ba ang makakalaban ko?” tanong nito in that strong, deep, yet very sexy voice na imposibleng hindi pakikinggan ng sinoman.
     Sa pag-upo pa lamang ni Nathan sa driver’s seat, he knew he was in trouble. Hindi dahil sa natatakot siya sa kakayahan ng babae kundi dahil sa natatakot siya sa kanyang sarili. Alam niyang malakas talaga ang naging tama niya kay Geni, at sa katunayan hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang alisin ang mga mata sa babaeng nakaupo sa katabing sasakyan.

Read Chapter One-Chapter Three

Additional information

Author

Terri Dizon

Page count

149 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.