Dani Alba

25 Ways to Win Him Again

42.75

Description

     Hati ang damdamin ni Iris nang makita muli si Brent Ramirez—ang masugid niyang manliligaw noong high school na binasted niya. Totoong nanghihinayang siyang pinakawalan niya ang binata noon, lalo’t aminado siyang gusto naman talaga niya ito. Iniisip niya, baka heto na ang second chance para sa kanila ng dating kaklase, ngayong kliyente niya ito sa negosyo niya bilang events planner.
     Pero nanlumo si Iris nang malamang may girlfriend na pala ito at proposal night ang aayusin niyang event para rito. Isang kaibigan naman ang nagrekomenda sa kanya ng magazine article na may titulong
25 Ways to Win Him Again.
     Naisip niyang kalokohang sundin ang isang artikulo na sinulat lang ng kung sino, pero susubukan na rin niya. Malay ni Iris, baka nga magawa niyang mabago ang isip ni Brent ukol sa pagpo-propose sa nobya nito at maisip ng lalaki na siya pa rin ang gusto nito….

Read Chapter One-Chapter Four

Additional information

Author

Dani Alba

Page count

178 pages