elisestrella

How To Kiss A Guy

74.75

Description

     Bagong buhay. Bagong bansa. Bagong mga kaibigan. Bagong mga problema. Kinailangan kong harapin ang lahat ng mga iyon nang mag-migrate kami ng parents ko sa London para matupad ang lifelong dream ng aking daddy.
     Hindi naman ako nahirapang mag-adjust kasi maganda ang school ko, mabilis kong nakasundo ang bago kong roommate, and, finally, may nakilala akong interesting na guy: Si Renner Christensen, varsity football team captain, Head Boy sa school, über-guwapo, sweet, and he also happens to be the Earl of Sanford.
     Of course, marami akong kaagaw sa kanya. Una na sa listahan ang ex niyang number one bully ng bago kong buhay. Ang problema ko ngayon, ano ang panama ko sa mayaman at model-gorgeous na si Fiona, eh, I’m more brains than beauty at wala pa akong alam sa boys. I don’t even know how to kiss a guy. Wala namang subject na nagtuturo niyon and I really want to kiss—and keep—Renner, ang first and forever kong Prince—er, Earl—Charming.
     I guess, I just have to learn.

Read Prologue Buy Paperback Version

Additional information

Author

elisestrella

Page count

240 pages