Felicity Claire

Pag-ibig na Kaya?

39.75

Description

     Kiber lang si Madellaine Atienza sa kanyang love life hanggang sa dumating ang kanyang twenty-eighth birthday. Na-realize niyang apektado na ng kawalan ng boyfriend ang kanyang trabaho at inner peace!
     Tuliro, taos-puso niyang idinasal kay Lord na ibigay na sa kanya ang kanyang Mr. Right bilang birthday gift. Hindi pa man niya natatapos ang kanyang pakikipag-usap kay Lord, may dumating nang asungot sa katauhan ng kapitbahay niyang si Clyde Estacio, ang lalaking tinik sa kanyang lalamunan. Makakatikim na talaga ito sa kanya!
     “Let me give you my birthday present.” Nagulat si Madellaine nang bigla siya nitong halikan.
     Parang lumutang sa ere ang utak ng babae. Naestatwa siya sa harap ng binata hanggang sa kusa itong mag-angat ng ulo at muling tumitig sa kanya.
     Napakurap siya. Wait, ano nga ulit ang gagawin niya kay Clyde?

Read Preview

Additional information

Author

Felicity Claire

Page count

128 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.