Lisa Marie Rice

The Italian

67.00

Description

      Malapit nang mapasakamay ni Stefano Leone ang tagumpay nang mahuli ang isa sa pinakamapanganib na Mafia sa mundo. Palaging nakaamba ang panganib sa buhay niya, dahilan upang lagi siyang napalilibutan ng mga armadong guwardya. Ni wala na siyang oras na makipagniig man lang, lalo pa kung pag-ibig ang paguusapan. Ngunit isang nakabibighaning Amerikana ang nakalusot sa kanyang radar, at tuluyang nakapasok sa puso niya. Ang pinangangambahan niya ay kung totoo kaya ang pagtingin nito sa kanya, o ipinadala ito ng kalaban para akitin siya—o mas malala pa?
      Bakasyon ang ipinunta ng designer na si Jamie McIntyre sa Palermo, Sicily, kasabay ng pag-aaral tungkol sa sining ng lugar. Pangalawa lamang ang paghahanap niya sa dating law student ng kanyang lolo. Inasahan niyang ang matatagpuan ay isang nerd na naka-suit. Ngunit si Judge Stefano Leone ay napakalayo ng hitsura sa hinagap niya. Ito ang pinakamapang-akit sa lahat ng lalaking nakilala niya. Tila nahipnotismo siyang hindi nakatanggi sa nagtutumining nitong katauhan, at katawan.
      Nang umatake ang kaaway ni Stefano at magiwan ng trahedya sa buhay ni Jamie, kailangan niyang pumili—at nakasalalay ang buhay nito sa magiging pasya niya….

Translation by Lain Flores

Read Preview

Additional information

Author

Lisa Marie Rice

Page count

196 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.