Sefah Mil

Ang Nawawalang Pintuan Sa Recto

79.75

Description

     Sino ang mag-aakala na ang opisina pala ng mga Anghel ng Kamatayan ay nasa Recto? Nakatago ito sa isang sekretong pintuan sa gilid ng isang shop na nagaalok ng mga pekeng diploma, fake IDs, lamination, bookbinding, letterpress at iba pa.
     Si Patty, isang simpleng estudyante, ay magpaparing bind lang sana ng mga kailangan niya para sa thesis nang aksidente niyang nabuksan ang sekretong pintuan at nakapasok sa kakaibang opisina kung saan may tahimik na lalaki sa mala-uwak ang mga mata na halos matakpan na ng mga patong-patong na libro sa mesa nito. Todo ang pa-cute ni Patty dahil guwapo nga ang estranghero. Ang hindi niya alam ay nakaharap na pala siya sa anghel na sa daan-daang taon, ay nagtaguyod ng kamatayan sa buong Pilipinas.
     Ang pag-ibig nga ba ay para lang sa mga mortal na nilalang? Paano kung hindi lang pala ang sekretong pinto ang nabuksan ni Patty, kundi pati na rin ang malamig na puso ni Kamatayan?

Read Chapters One-Five

Additional information

Author

Sefah Mil

Page count

288 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.